Kusang sumuko sa pulisya ang isang matandang lalaki sa bayan ng Santa Fe, Romblon na wanted dahil sa warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 82 noong January dahil sa kasong pangagahasa di umano sa isang menor de edad.
Kinilala ang suspek ni Police Senior Inspector Francis Rey Manito, hepe ng Santa Fe Municipal Police Station, na si Cardilito Magcalayo, 71-taong gulang at residente ng Brgy. Guinbirayan, Santa Fe, Romblon.
Ayon sa police report ng Santa Fe Municipal Police Station, nakatanggap sila ng sumbong nitong Miyerkules na nakita si Magcalayo sa Barangay Pandan na gumagala kahit wanted ito kaya pinuntahan nila ang lugar at pagbalik ay dala na nila si Magcalayo.
Dipensa ng kamag-anak ng suspek, napagbintangan lang umano siya at wala umano itong kasalanan. Kilala rin umano itong mabait sa kanilang lugar ayon sa isang kabarangay ng suspek.
Nakalaya na ang suspek matapos na magpiyansa ng P200,000 sa korte noong araw ring yun.