Patay ang 60-taong gulang na lolo sa San Andres, Romblon matapos malunod habang namamana ng isda bandang alas-9 ngayong umaga sa dagat na bahagi ng Barangay Calunacon.
Kinilala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang biktima na si Dionito Meran, residente ng Barangay Pag-alad.
Ayon sa mga kasama ni Meran namamana, nakita nalang nila itong lumulutang na kaya agad nila itong dinala sa pangpang para bigyan ng first aid. Sinubukan pa siyang i-revive ng isa sa mga volunter ng MDRRMO na si Jobert Fetalvero ngunit bigo umano sila.
Dinala si Meransa San Andres District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Posibleng inatake ng sakit sa puso si Meran habang ito’y nasa ilalim ng tubig kaya ito nalunod dahil marunong naman umano itong lumangoy ayon sa mga kamag-anak nito.