Kung ang hanap mo ngayong summer ay mga Filipino Fiesta, bisitahin na ang Odiongan, Romblon kung saan nagdiriwang ngayong araw ng kanilang Kanidugan Festival at ng 171st Founding Anniversary.
Naglaban-laban ang apat na grupo galing sa apat na bayan sa Tablas Island, Romblon para sa street dance competition.
Nagpakitang gilas ang mga grupo na galing sa mga bayan ng Ferrol, Looc, at Alcantara kung saan may makukulay na kasuotan at dapat lang sundin ang temang kanidugan. Hindi rin nagpahuli ang grupo na mula mismo sa bayan ng Odiongan.
Magmula sa tunog ng tambol, nagpakitang gilas ang bawa’t grupo sa pagsasabay-sabay sumayaw at tamang koordinasyon.
Sa huli, itinanghal na panalo ang grupo na galing sa bayan ng Alcantara kung saan mag-uuwi sila ng P250,000 na cash price.
Bago magtanghal ang bawa’t grupo ay nag-ikot muna sila sa paikot ng Poblacion ng Odiongan para sa civic parade.