Ang itatayong police station sa bayan ng Odiongan ang pinakamalaking police station sa buong rehiyon ng MIMAROPA ayon kay Police Chief Supt. Froilan Quidilla, Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office MIMAROPA, nang magbigay ng talumpati sa groundbreaking ceremony ng building kaninang hapon sa Odiongan, Romblon.
Sinabi pa ni Quidilla na ang itatayong building ay pasasalamat ng Philippine National Police sa mga taga-Odiongan dahil sa pagsuporta nito sa mga kompanya kontra sa lahat ng iligal.
Ang nasabing itatayong building ay para sa Odiongan Municipal Police Station at ito ay isang Standard Type A Police Station kung saan Odiongan palang ang mayroon sa buong rehiyon.
Aabot sa mahigit P7-million pesos ang pinagkaloob na budget para rito galing sa 2018 budget ng Philippine National Police.
Marso noong nakaraang taon ng ipagkaloob ng Munisipyo ng Odiongan ang 600sqm na lupa sa loob ng Odiongan Public Market para maging pwesto ng itatayong Odiongan Municipal Police Station.
Present rin sa nasabing groundbreaking ceremony ng building kaninang hapon sina Police Senior Supt. Leo Quevedo, Provincial Director ng Romblon Police Provincial Office, Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, at si Odiongan Municipal Police Office Officer In Charge PSInsp. Kenneth Gutierrez.