Nasunog nitong tanghali ng Sabado ang dalawang palapag na bahay sa Barangay Poblacion sa bayan ng Alcantara, Romblon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – Alcantara, ang nasabing bahay ay pagmamay-ari ni Basilio Gatarin Gabat Sr.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang maaring pinagmulan ng apoy at kung magkano ang kabuoang halaga ng ari-ariang nasunog.
Maswerte namang walang nadamay na bahay kahit dikit-dikit ang bahay sa nasabing barangay. Wala ring nasaktan na mga residente sa nasabing sunog.
Ayon sa nasunugan, makikituloy muna sila sa kanilang mga kamag-anak para makarekober sa sunog.