Arestado sa isinagawang anti-illegal buy-bust operation ng PDEA-MIMAROPA at Provincial Intelligence Branch ng Romblon Police Provincial Office ang isang lalaking tulak umano sa isang maliit na kubo sa Looc, Romblon.
Kinilala ang subject ng buy-bust na si Francis Francisco, residente ng parehong bayan habang nadamay naman ang kasama nito sa kubo na si Rowel Francisco.
Nabilhan umano si Francis Francisco ng isang sachet ng shabu na nagkakahalagang P1,000 at sa pag search sa kanyang katawan ay nakuha ang isang lagayan na may laman pang dalawang sachet ng shabu.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa watchlist umano ng mga otoridad sa Romblon si Francis at nag-iisa nalang sa mga grupo umano sa Looc, Romblon na nasa laya pa.
Itinanggi naman ng dalawa na kanila ang nakuhang mga iligal na droga, ayon kay Francis, inaamin niya umanong gumagamit siya ng droga ngunit simula ng ma-tokhang ay tumigil na umano siya. Hindi niya rin umano alam kung saan galing yung droga, nagtaka rin umano siya na merong nakuhang ganun.
Ayon naman kay Rowel, natutulog lang umano siya sa duyan ng dumating ang mga otoridad.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.
Arestado sa isinagawang anti-illegal buy-bust operation ng PDEA-MIMAROPA at Provincial Intelligence Branch ng Romblon Police Provincial Office ang isang lalaking tulak umano sa isang maliit na kubo sa Looc, Romblon.
Kinilala ang subject ng buy-bust na si Francis Francisco, residente ng parehong bayan habang nadamay naman ang kasama nito sa kubo na si Rowel Francisco.
Nabilhan umano si Francis Francisco ng isang sachet ng shabu na nagkakahalagang P1,000 at sa pag search sa kanyang katawan ay nakuha ang isang lagayan na may laman pang dalawang sachet ng shabu.
Ayon sa agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakausap ng GMA News, nasa watchlist umano ng mga otoridad sa Romblon si Francis at nag-iisa nalang sa mga grupo umano sa Looc, Romblon na nasa laya pa.
Itinanggi naman ng dalawa na kanila ang nakuhang mga iligal na droga, ayon kay Francis, inaamin niya umanong gumagamit siya ng droga ngunit simula ng ma-tokhang ay tumigil na umano siya.
Hindi niya rin umano alam kung saan galing yung droga, nagtaka rin umano siya na merong nakuhang ganun.