Natangayan ng mamahaling cellphone at mga importanteng gamit ang isang mag-asawa sa bayan ng Looc, Romblon matapos looban ng isang magnanakaw nitong gabi ng Biyernes.
Sa spot report na nakarating sa opisina ni Police Senior Inspector Ledilyn Ambonan galing sa Looc Municipal Police Station, madaling araw ng Sabado ng dumulog sa kanilang opisina si Laarni Javier Valentin, 50-anyos, at inirereklamong di umanoy pinasok sila ng magnanakaw.
Nakahiga na umano sila ng kanyang asawa sa kanilang kwarto ng makaranig ng kalabog ng pinutuan na nasa likod ng kanilang bahay, pagtingin umano nila ay bukas na ito at nawawala na ang ilan nilang gamit.
Natangay ng hindi pa kilalang magnanakaw ang isang cellphone na nagkakahalaga ng P15,000, mga ID, ATM Card, at iba pang importanteng gamit.
Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Looc Municipal Police Station para makilala at maaresto ang suspek sa nasabing nakawan.