Pinasinayaan ngayong araw ang bagong gawang baywalk sa bahagi ng Firmalo Bouleverd sa Barangay Tabin-Dagat, Odiongan, Romblon sa pangunguna nina Governor Eduardo Firmalo at Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Naging panauhing pandangal sa nasabinge vent si Engr. Maria Socorro Abu, EMB OIC-Regional Director for the MIMAROPA.
Dumalo rin sa pagpapasinaya ang ilang opisyal ng bayan ng Odiongan gayun na rin ang mga opisyal ng Barangay Tabin-Dagat at Ligaya.
Sa maikling mensahe ni Governor Firmalo, sinabi nito na ang nasabing proyekto ay para may lugar ang Odiongan kung saan pwede mamasyal at mag-jogging tuwing hapon.
Sinabi naman ni Mayor Fabic na mas papagandahin pa nila ang boulevard at maaring sa mga susunod na buwan ay lagyan rin nila ng iba pang features ang pasyalan katulad ng mga kainan na magbubukas tuwing hapon.