Sa kulungan ang bagsak ng apat na katao matapos mahuli sa aktong naglalaro ng sugal na mahjong sa Brgy. Budiong sa bayan ng Odiongan, Romblon nitong hapon ng Huwebes, April 26.
Kinilala ang mga suspek na sina Antonio Fadri Famini, 56; Jake Motim Ferranco, 28; Baldomero Fabellore Marquez Jr., 38; at si Alfredo Tombocon Ferranco, 50, miyembro ng Odiongan Traffic Regulatory Unit (OTRU), na pawang mga residente sa naturang lugar.
Ayon sa kapulisan, nakatanggap sila ng sumbong mula sa isang concerned citizen na di umanoy may apat na lalaki silang nakitang naglalaro ng majhong sa kanilang lugar. Dito na kumilis ang pulisya at tinungo ang nasabing barangay para iberipeka ang report.
Nakumpiska sa kanilang pangangalaga ang isang mahjong set at pera na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P500.
Ang mga naarestong suspek pati na rin ang mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ng Odiongan Municipal Police Station para naman sa maayos na disposisyon.