Dagsa ang mga turista sa Carabao Island, Romblon ngayong Huwebes para sa lugar gunitain ang lenten season kasama ang kani-kanilang pamilya at para na rin magbabad sa mga beach sa lugar.
Sa mga litrato na inupload ni Municipal Tourism Officer Leahlyn Pablo, makikita ang ilang mga turistang nasa front beach ng Carabao Island kung saan may mapuputi at pinong buhangin rin kagaya sa Boracay.
Ayon kay Pablo, galing sa iba’t ibang lugar ang mga turistang nasa Carabao Island ngayon.
Sinabi naman ng ilang mga turista na mas gusto umano nilang sa Carabao Island magpalipas ng summer vacation kasi halos parihas lang naman ang puti at ganda ng buhangin ng Carabao Island sa Boracay kung saan tinawag noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘cesspool’ dahil sa marumi umanong tubig nito.
Ang Romblon lalo na ang Carabao Island ang isa sa mga tunuturing na alternatibong pasyalan sa Boracay dahil malapit rin ito sa Caticlan Airport.