Isa nanamang international cruise ship ang bumisita sa kabisera ng Romblon Province ngayong araw, ito ay ang MS Silver Whisper.
Lulan ng nasabing crusie ship ang aabot sa mahigit 300 na mga pasahero galing sa iba’t ibang bahagi ng mundo at aabot rin sa halos 300 na mga crew.
Ang mga bisitang banyaga ay iikot sa mga national heritage at historical sites sa bayan ng Romblon, mag-island hopping sa Cobrador island, tutungo sa mga pagawaan at tindahan ng marble products at mamamasyal sa mga white beaches ng isla ng Romblon.
Ang MS Silver Whisper ay ang pangatlong cruise ship na bumisita sa bayan ng Romblon ngayong taon.