Nasunog ang isang rest house sa Barangay Progreso Este sa bayan ng Odiongan nitong hapon ng Miyerkules Santo, March 28.
Napag-alamang pagmamay-ari ni Dennis Batoy ang rest house na gawa sa light material na naging dahilan ng mabilis na pagkalat ng apoy.
Agad namang tumulong ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology na malapit lang sa lugar ngunit hindi na naapula ang sunog, at binasa nalang nila ang katabing bahay ng rest house para hindi madamay.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – Odiongan, nagsimula ang sunog sa napabayaang niluluto sa nasabing rest house na ginawa ring dirty kitchen ng pamilya Batoy.
Wala namang nasaktan sa nasabing sunog.