Nagresulta sa mahigit limang oras na brownout ang pagkakatumba ng isang poste sa Barangay Otod sa San Fernando, Romblon matapos na maatrasan ng tumatabing truck nitong Huwebes.
Ang nasabing truck ay pagmamay-ari ng JD Legaspi Construction.
Ayon kay Roy Rada ng Romblon Electric Cooperative Inc., tumatabi ang nasabing truck para sana bigyang daan ang isang ambulansya ngunit hindi umano napansin ng driver na naatrasan niya na pala ang poste ng kuryente ng ROMELCO.
Hindi rin umano narinig ng driver ang sigaw ng kanyang pahenante kaya dumiretso parin ito.
Nangyari ang aksidente bandang alas-10:45 ng umaga at bandang alas-4:30 na ng hapon naibalik ang kuryente.