Mas hinigpitan ng mga tauhan ng Land Transportation Office, Odiongan Municipal Police Station at Odiongan Transport and Regulatory Unit (OTRU), ang pagpapatupad sa mga batas sa kalsada sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, mas hinigpitan ng Odiongan MPS at OTRU ang pagbibigay ng ticket sa mga minor na rider, mga pasaway na rider na naka-park sa mga non-parking area.
Ilang mga kabataan at mga may-ari ng motorsiklo ang nasampulan kagabi sa Odiongan Children’s Park and Paradise.
Paalala ng alkalde sa mga magulang mga batang rider, ‘huwag ninyong payagan na mag maneho ang inyong mga anak na menor de edad. Driving without a license = P3,500 na multa at impounded ang motorsiklo. Pwedeng umabot sa P10, 000 ang multa. Para din ito sa kaligtasan ng lahat dahil ang daming nadidisgrasya sa mga aksidente sa kalsada,’ ayon sa alkalde.
Ayon pa kay Mayor Fabic, araw-araw umano magsasagawa ng check point ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station para mabawasan ang mga pasaway na rider sa Odiongan.