Nilooban ng hindi pa tukoy na bilang ng mga kawatan ang Santa Maria National High School sa bayan ng Santa Maria, Romblon nitong hating gabi ng Biyernes.
Ayon kay Pinky Famorcan, guidance counselor ng nasabing paaralan, natangay mula sa kanilang Science High School building ang 32″ at 42″ na Flatscreen TV.
Niyagari rin ng mga kawatan ang bintana sa school canteen ng nasabing paaralan kung saan nakakuha sila ng aabot sa P1,500 na cash at mga pagkain na paninda sa nasabing canteen.
Naisumbong na umano ang insidente sa Santa Maria Municipal Police Station at nangako naman si Police Senior Inspector Sandy Falcutila na kanilang iimbestigahan ang nasabing pagnanakaw.
Nagsasagawa na rin umano ng sariling imbestigasyon ang pamunuan ng Santa Maria National High School kaugnay rito.