Natanggap na ng Odiongan District Jail mula sa Regional Office sa MIMAROPA ng Bureau of Jail Management and Penology ang bago nilang Prisoners van na gawa mula sa Mitsubishi L300 van.
Personal itong dinala sa Odiongan, Romblon ni BJMP-4B Regional Director Jail Senior Supt. Revelina Sindol para iturn-over sa mga personel ng Odiongan District Jail.
Ayon kay ODJ Warden J/Supt. Irene Gaspar, malaking tulong umano ito para sa pag transport ng mga residente ng Jail lalo kung may hearing dahil luma na umano ang isa nilang sasakyan at mahirap na gamitin.
Ang nasabing sasakyan ay isa sa apat na mga bagong sasakyan na binili ng Regional Office ng Bureau of Jail Management and Penology para sa mga kulungan sa MIMAROPA Region.