Nagdilim ang paligid ng mga istasyon ng pulis sa buong Romblon Province matapos makiisa ang Romblon Police Provincial Office sa pagdiriwang ng Earth Hour 2018 ngayong araw.
Eksaktong 8:30 ng gabi ng sabay-sabay na magpatay ng ilaw ang mga PNP Stations sa buong lalawigan kagaya nalang ng mga istasyon ng pulis sa bayan ng Looc na pinangungunahan ni Police Senior Inspector Jedi Galicha.
Ang pagpapatay sa mga ilaw tuwing Earth Hour ay simbolo ng pagpapakita na commitment tayo sa pagtulong para mabalik ang kagandahan ng daigdig.