Halos walang dumating na isda sa Odiongan Public Market sa Odiongan ngayong ikalawang araw ng pagpapatupad ng price ceilang ordinance na pinasa ng Sangguniang Bayan nitong nakaraang buwan.
Ayon sa mga tindiro na nakausap ng Romblon News Network, wala parin umanong dumadating na isda galing sa ibang bayan sa hindi pa alam na dahilan ngunit maaring naninibago sila sa price ceiling sa Odiongan.
Ngunit sinasabi ng ilang mga tindiro na marahil dahil maliwanag ang buwan kagabi at maaring kaakunti ang huli ng ilang mangingisda.
Sinabi naman ni SB Rollie Lachica na marahil sa una lang yan dahil naninibago pero baka bumalik na rin umano yan sa normal sa susunod na mga araw.