Isang lalaki sa bayan ng Looc, Romblon ang hinuli ng mga kapulisan nitong Huwebes ng hapon sa bayan ng Looc, Romblon matapos na pagtangkaang saksakin ang isang motoristang dumadaan sa lugar niya.
Kinilala ang suspek na si Ericson Pastor, 27; habang ang biktima ay kinilalang si Dante Sabigan Villanueva, 61-taong gulang.
Ayon kay Villanueva, galing umano siya sa Barangay Limon Sur, Looc, Romblon at patungo sanang Poblacion bandang alas-2 ng hapon kahapon nang bigla siyang harangin ni Pastor pagdating sa Limon Sur Elementary School ay bigla umanong humarang sa kalsada ang suspek at sinubukang undayan ng saksak ang biktima.
Nakaiwas naman ang biktima at nakalayo habang ang suspek ay tumakas paakyat sa bundok dala ang matalim na bagay na hinihinalang sanggot.
Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto nila si Pastor at dinala na sa Looc Municipal Police Station.
Patuloy na iniimbestigahan ng Looc Municipal Police Station ang kaso at kung ano ang ugat ng panghaharang ni Pastor sa suspek.