Tatlong estudyante ang nasugatan matapos mawalan ng kontrol ang kanilang sinasakyang jeep sa Barangay Lawan, Alcantara, Romblon bandang alas-5 ng hapon kanina.
Ayon kay PO3 Junar Gabilo, imbestigador ng Alcantara Municipal Police Station, galing umano ang jeep na may pangalang ‘Survivor’ sa Sta. Maria at pauwi na sanang Alcantara para gumarahe ngunit may nadaanan silang 6 na estudyante kaya kanilang isinakay.
Pagdating nila sa bahagi ng National Road sa Barangay Lawan, nawalan umano ng kontrol ang driver sa jeep dahil sa sinasabing mechanical failure dahilan upang sumalpok ang jeep sa concrete barrier hanggang sa mahulog sa kalsada at tumagilid.
Ayon kay PO3 Gabilo, ang 5 estudayante umanong lalaki maliban sa babae na nasa loob ng jeep ay nakaupo sa bubungan ng jeep kaya nakatalon sila bago pa tumagilid ang jeep.
Paliwanag ng driver na si Julie Galpo, pinagsabihan na nila ang mga 5 bata na huwag sasakay sa bubungan ng jeep ngunit hindi umano nakinig ang mga ito.
Ligtas na ang 5 estudyante, samantalang ang babae ay dinala sa Romblon Provincial Hospital para sa gagawin sakanyang X-Ray Test.
Hindi naman nasugatan ang kundoktor at driver ng nasabing jeep.