Isa sa mga dinadayo at pinagmamalaki ng bayan ng San Agustin ay ang Busay Falls sa Dubduban, San Agustin, Romblon.
Talagang mamamangha ka dito dahil sa angking ganda ng falls, ganun na rin ang mga rock formation kung saan dito dumadaloy ang malamig na tubig.
Patok na patok itong pasyalan ngayong summer, at para naman po sa mga bata meron namang falls na mabababaw, at kung ikaw mahilig tumalon meron din ito na makikita sa ikatlong palapag ng falls. Pwede rin ito sa mga gusto ng adventure, dahil sulit na sulit ito para sa kanila.
Sa ngayon, sinisimulan ng pagandahin ang nasabing tourist spot ng Local Government Unit ng San Agustin kung saan nagtatayo sila ng ilang mga cottages sa paligid ng talon.
































