Pinakawalan nitong Huwebes ng hapon sa isang beach sa Barangay Libertad sa Odiongan, Romblon ang aabot sa 96 baby pawikan o green sea turtle.
Pinangunahan ang pagpapakawala nina Mayor Trina Firmalo-Fabic kasama ang ilang empleyado ng Local Government Unit, ng Department of Environment and Natural Resources at mga barangay officials ng Barangay Libertad.
Nakiisa rin ang ilang volunters sa pagpapakawala ng mga baby green sea turtle.
Ang mga pawikan ay itinuturing ng Department of Environment and Natural Resources na isa sa mga endangered species.