Binisita nitong Biyernes ni Governor Eduardo Firmalo ang Tablas Airport Police Station sa Romblon Airport sa Alcantara, Romblon para personal na tingnan ang sira-sirang building ng Airport Police.
Sinabi ni Governor Firmalo na papalitan ng provincial government ang sirang police station para umano masigurong ligtas ang mga pulis na nakaduty sa lugar.
Ayon kay PO2 Roger Añar, nagpadala sila ng request letter sa provincial government para sa pagsasaayos ng kanilang police station na sinira ng mga nagdaang bagyo at naaprubahan umano ito.
Nakipag-ugnayan na rin si PO2 Añar sa OIC ng Romblon Airport na si Gaspar Antonio para sa nasabing itatayong pamalit na building.