Mahigit 100 bahay at estruktura sa bahagi ng General Luna St. sa Barangay Dawapan ang apektado ng gagawing road widening ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Odiongan, Romblon ngayong tao.
Ayon sa mga engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Romblon na nakausap ng Romblon News Network nitong Biyernes, aabot umano sa 5 metro kada center ng kalsada ang kanilang gagawing lapat nito.
Ilan naman sa mga maapektuhan ng widening project ang nasiyahan parin sa pagpapalapad ng nasabing mga kalsada kahit umano maapektuhan sila ay okey lang.
Sa dalawang establishment naman na nasa dulo ng General Luna st. sa Poblacion, maapektuhan at mawawasak ang gate ng isang clinic habang masisira rin ang isang building na inuupahan ng kilalang remitance center.
Hiling ng mga maapektuhan sa nasabing road widening ang tulong financial na magmumula sana sa Department of Public Works and Highways at sa Local Government ng Odiongan.
Wala pang pahayag ang DPWH patungkol rito.