Maghahating gabi nitong Huwebes nang sumiklab ang isang sunog sa loob ng isang lumang bahay sa Barangay Tabin-Dagat, Odiongan, Romblon matapos di umanong may mapabayaang nakasindi na apoy sa lugar.
Ayon sa mga residente sa lugar, napansin nalang nilang may umuusok sa bahagi ng kusina ng lumang bahay na kasalukuyang tinitirhan ng isang lalaking may sakit sa pag-iisip. Maaring may naiwan umanong nakasindi na kandila o apoy ang lalaki sa loob ng bahay at posibleng natumba ito hanggang sa kumalat sa mga damit at papel na nakatambak sa kusina.
Ayon sa mga pamilya Leaño na may-ari ng bahay, may mga tambak umanong damit at papel sa lugar galing sa kanilang Printing Press Business at ito ang napuruhang nasunog.
Wala namang nasaktan sa nasabing sunog.
Naapula ang apoy ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection – Odiongan matapos ang halos 30 minuto.