Pinasinayaan ngayong araw ang bagong Rural Health Center ng bayan ng Santa Maria na matatagpuan sa Barangay Poblacion.
Panauhing pandangal sa ribbon cutting at blessing ng bagong health center sina Santa Maria Artemio Madrid, Romblon Provincial Health Officer Dra. Ederlina Aguirre, DOH Representative Dra. Ruth Cervo, at Dr. Ralph Falculan.
Sa talumpati ni Cervo, pinuri at pinasalamatan nito ang LGU Santa Maria dahil sa bagong gamit at malinis na pasilidad para sa mga pasyente na galing ng Santa Maria.
Na-welcome rin sa nasabing event ang bagong Municipal Doctor ng Santa Maria na si Jemuel Dela Cruz.