Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang lalaki sa San Fernando, Romblon matapos itong maglasing, magwala, at mang-harang ng mga sasakyan sa Barangay Azagra, San Fernando, Romblon nitong gabi ng December 03.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ramilo Recto Royo, 44-anyos, walang trabaho, at residente ng nasabing Barangay.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, lasing na lasing umano si Royo nang maabutan ng mga tauhan ng pulisya na nagwawala at nanghaharass ng mga motorista sa bahagi ng Natioanal Road na sakop ng Barangay Azagra. May hawak pa umanong bolo ang suspek nang maabutan ng pulisya.
Sigaw umano ng suspek, “Mga Y**a kamo, guaw kamo dira mag laboan na lang kita!”
Sinubukan umanong kausapin ng mga pulis ang suspek ngunit pati sila ay binalingan ng suspek at akmang tatagain ng kanyang hawak na bolo ngunit nakuha ito sakanya ni SPO Roque Altobano Jr. kaya agad siyang hinawakan ng mga kapulisan.
Nakakulong na ang suspek sa San Fernando Municipal Police Station at nahaharap sa kasong Alarm and Scandal, Malicious MIschief, Assult upon Agent Person in Authority, Possession of Jungle Bolo, at Resistatnce upon agent of a Person in Authority.


































