Pinuno ng makukulay na pailaw ang Public Plaza ng bayan ng Looc sa lalawigan ng Romblon matapos lagyan ng isang Christmas Village ng Local Government Unit.
Ang tema ng ika-4 na pailaw ngayong taon ay mga Human size belen na gawa sa recycled materials o mga kahoy.
Naglaban-laban ang aabot sa limang (5) belen na ginawa ng LGU, DepEd High School, Deped Elementary, at Liga ng mga Barangay.
Todo pa-picture naman ang mga batang bumisita sa nasabing christmas village, ang ilan todo papicture kay santa clause na gawa lang sa mga papel, at ang iba naman ay sa mga kunyaring tao na nasa loob ng mga kobol ng belen.
Atraksyon rin sa nasabing Christmas Village ang Giant Christmas Tree na gawa sa mga maliliit na kawayan na pinuno ng ilaw.
Sa taas ng Giang Christmas Tree ang manining-ning na ilaw ng isang bituin.
Libreng pasyalan ang Christmas Village at magtatagal ito hanggang sa bagong taon.