Sugatan ang isang 4-taong gulang na batang babae sa Sitio Sawang, Barangay Dubduban, San Agustin, Romblon matapos masalpok ng isang motorsiklo nitong hapon ng December 03.
Kinilala ang rider na si Renante Clasiete, 42-taong gulang, at residente ng Barangay Doña Juana, San Agustin, Romblon.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, papunta umanong Brgy. Dubduban galing sa Brgy. Doña Juana ang rider at pagdating nito sa harapan ng Tablas Island Cockpit Arena ay biglang tumawid ang batang babae.
Hindi na umano siya naka preno kaya nasalpok nito ang batang babae.
Agad na dinala ng mga nakasaksi sa aksidente ang biktimang babae sa Tablas Island District Hospital para gamutin samantalang ang suspek ay kusang sumuko sa San Agustin Municipal Police Station para harapin ang nasabing aksidente.
Patuloy na tinitingnan ng ospital ang lagay ng nasabing bata.