Stranded ang aabot sa 283 passengers ng barkong St. Ignatius of Loyola ng 2Go Travel na galing Caticlan at patungo sanang Batangas Port matapos hindi payagan ng Philippine Coast Guard na maglayag ang mga barko ngayong araw dahil sa banta ng bagyong Urduja.
Aalis sana sila ng 11am galing Poctoy Port sa Odiongan, Romblon ngunit pinababa sila ng barko dahil sa bagyo. May 31 rolling cargo ring stranded sa nasabing pantalan.
Kasamang kinansela ang mga biyahe ng barko ng Montengro Lines, 2Go Travel, at Starlite Ferries na biyaheng Caticlan, Roxas, Mindoro, at Batangas.
Sa ngayon, makulimlim ang na may panaka-nakang pag-uulan ang nararanasan sa lalawigan ng Romblon nasa ngayon ay nasa Tropical Cyclone Warning Signal #1.