Naaresto na matapos ang halos 5 taon ang number 7 most wanted person ng Odiongan Municipal Police Station na si Dionisio Firmalo Gonzales, 61 taong gulang.
Naaresto ng pinagsamang pwersa ng Odiongan Municipal police Station, Provincial Intelegence Branch, at CIDG/CIDT, si Gonzales nitong hapon ng November 07 sa Banaue, Quezon City sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas pa noong December 19, 2012 ng Regional Trial Court Branch 82.
Si Gonzales ay inireklamo ng pagagahasa noong 2012 sa Odiongan, Romblon.
Nakatakdang ibiyahe pabalik ng Odiongan, Romblon si Gonzales para iharap sa korte.
Walang piyansa ang kaso ng suspek.