{googleads center}
Isang pawikan o green sea turtle na may habang limang dangkal ang nalambat ng mga mangingisda sa Magdiwang, Romblon nitong umaga ng November 01.
Ayon sa mangingisdang si Egleserio Rojas, nagulat sila nang may makitang pawikan na nakasabit sa lambat nila kaya agad nila itong sinuri.
Pinagkaguluhan naman ang pawikan nang makita ng taong bayan. Agad namang ibinalik sa dagat ang pawikan matapos suriin at makitang walang sugat.
Sinabi rin ni Rojas na perwisyo ang hatid sa kanila ng nasabing pawikan dahil sinira umano nito ang kanilang labat pangkabuhayan kaya hiling nila bigyan naman sila ng kaunting pabuya o kapalit man lang sa kanilang lambat.