Sinimulan nang ilagay ng Local Government Unit ng Odiongan ang mga Closed-Circuit Television (CCTV) Cameras paikot ng bayan ng Odiongan Town Proper.
Ayon kay Mayor Trina Firmalo-Fabic, aabot sa 32 pirasong CCTV Cameras ang kanilang ikinalat paikot ng Odiongan.
Sakto umano na nalagay ang mga camera bago ang pagdiriwang ng MIMAROPA Festival na gaganapin sa Odiongan sa darating na November 20 hanggang 25.
24 Oras umano itong babantayan ng mga tauhan ng munisipyo para na rin sa mas ligtas na bayan at para rin sa mas maagap at mabilis na pagresponde kung sakaling may krimen man o aksidente.