Kulang sa ngayon ang mga nurses ng Romblon Provincial Hospital ayon sa pahayag ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic sa programang Mata ng Bayan sa Radyo Natin Odiongan 101.3 nitong Sabado ng umaga.
Ang isa sa mga dahilan umano nito ay ang development kung saan pinull-out ng Department of Health ang halos 13 nurses sa Romblon Provincial Hospital na kasama sa Nurse Deployment Project (NDP) para ilipat sa mga Rural Health Unit ng iba’t ibang bayan.
“Actually karamihan sa mga nurses [sa ospital] ay mga contractual, so meron tayong 20 contractual nurses and although they are receiving 18 thousand [pesos] a month, hindi yun maikumpara sa [offer ng] DOH na 28 thousand [pesos] a month,” pahayag ng alkalde na pinadala ni Governor Eduardo Firmalo para sagutin ang nasabing issue.
Ginagawan na rin umano ng paraan ni Governor Eduardo Firmalo at ni Dr. Ben Anatalio, Chief of Hospital ng Romblon Provincial Hospital, ang nasabing problema.
Magbubukas umano ng slots ang Provincial Government para sa apat (4) na permanent position para sa mga nurses ng ospital at tinitingnan na rin kung pwedeng i-angat hanggang P24,000 ang sahod ng mga contractual nurses.
{googleads center}