{googleads center}
Natabunan ng lupa ang bahagi ng kalsada sa National Road sa Barangay San Roque, Calatrava nitong madaling araw ng November 02.
Ayon sa report na nakarating sa Office of the Civil Defense MIMAROPA, bandang alas-2 ng madaling araw nang mangyari ang lanslide dahil sa walang tigil na ulan sa lugar simula pa kahapon.
Passable na rin naman umano sa lahat ng sasakyan ang nasabing daan matapos ang isinagawang clearing operation ng Department of Public Works and Highways Romblon at Calatrava Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.