Nasabat sa isinagawang Oplan Linis Piitan sa Odiongan District Jail sa Odiongan, Romblon ang iba’t ibang pinagbabawal na gamit sa loob ng kulungan katulad ng mga hanger at bote ng rugby.
Ang nasabing operasyon ay ikinasa nitong madaling araw ng November 27 ng pinagsamang pwersa ng Odiongan District Jail at Odiongan Municipal Police Station.
Ayon kay Jail Senior Inspector Irene Gaspar, Jail Warden ng Odiongan District Jail, ilan sa kanilang nasabat ay belt, charger, lighter, guitar string, nail cutter, blades, isang bote ng rugby, at dalawang lata ng epoxy.
Wala naman umanong nasabat na droga sa loob ng kulungan at nagpapatunay lang na Drug Free ang nasabing kulungan.
Patuloy rin umano ang kanilang paghihigpit para hindi makapasok ang mga ipinagbabawal na gamit sa loob ng kulungan.