Nilooban at nanakawan ng cellphone ang isa sa mga dancers ng probinsya ng Palawan sa loob ng kanilang quarters sa Romblon State University, Odiongan, Romblon.
Sa report na natanggap ng Romblon News Network, nitong Miyerkules ng gabi umano pagkatapos ng streeet dance competition napansin nilang nawawala ang cellphone ng isa sa mga dancers nila.
Kinumpirma ang nasabing balita ng isa sa mga opisyal ng Palawan na kasama ng mga deligado ngunit ayon sa kay Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., hepe ng Odiongan Municipal Police Station, wala umanong lumapit sa mga tauhan nila kaugnay sa nasabing aksidente.
Huwebes ng tanghali ng umalis ng Odiongan ang mga deligado ng Palawan pabalik ng kanilang probinsya.