{googleads center}
Matagumpay na naidaos sa Odiongan District Jail ang kanilang National Correctional Consiousness Week (NACOCOW) Celebration kamakailan na may temang “Sustinidong Paglilinis ng Piitan, Tungo sa Hamong Pagbabago ng Lipnan.
Ito ang unang aktibidad ng bagong hupong Jail Warden ng Odiongan District Jail na si Jail Senior Inspector Irene Gaspar.
Sa nasabing aktibidad, nagsagawa ng iba’t ibang programa kagaya ng palaro, holy mass, feeding program, at gift giving activity.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng iba’t ibang stakeholders at simbahan.
Nagkaroon rin ng Symposium at Information Drive para sa mga tinawag na PDLS’s o Person’s Deprive of Liberty.
Bago matapos ang aktibidad ay nagsagawa ng libreng dental at medical mission ang Romblon Provincial Health Office sa pangunguna ni Dr. Ederlina Aguirre at Jail Visitation and Legal Consultation ang Public Attorneys Office.