Isang bahay ang tinupok ng apoy sa Sitio Agbunyog, Barangay Concepcion Sur, Sta. Maria sa Tablas Island, Romblon kaninan gumaga.
Ayon kay Aldren Monton, residente ng Sta. Maria, Romblon, bandang 9:30 ng umaga nang magsimula ang apoy sa bahay ni Jose Mortel.
Ayon sa unang imbestigasyon, naiwang apoy sa kusina ang pinagmulan ng sunog kaya ang kusina rin ng bahay ang natupok ng apoy.
ADVERTISEMENT
Pinagtulungan naman itong apulahin ng mga residente ng lugar.
Wala namang nasaktan sa nasabing pangyayari.