Dalawang sakay ng motorsiklo ang sugatan matapos masangkot sa aksidente sa National Road ng Barangay Mayha, Odiongan, Romblon nitong madaling araw ng Linggo.
Ayon sa Police Report na nakuha ng Romblon News Network sa Odiongan Municipal Police Station, bandang alas-12:15 ng madaling araw nitong Linggo nang mawalan ng kontrol ang sasakyang minamaneho ni Bobby Selosa, 24, at sumalpok sa isang concrete fence.
Tumilapon ang driver na si Selosa at ang kanyang sakay na si Rey Gacilo, 25, pawang residente ng Barangay Progreso Weste, Odiongan, Romblon.
Agad namang sinugod sa ospital ang dalawa matapos magtamo ng malubhang sugat sa katawan.
Samantala, patuloy na iniiimbestigahan ng pulisya ang nasabing aksidente at kung nakainum ba ang dalawang sakay ng motorsiklo.