{googleads center}
Nagsagawa ng Basic Computer Literacy Seminar ang Opisina ng Sangguniang Bayan ng Odiongan na dinaluhan ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station, Sangguniang Bayan at mga miyembro ng naturang opisina nitong October 24 hanggang 25.
Layunin ng seminar ang madagdagan pa ang kaalaman ng mga dumalo pagdating sa tama at maayos na paggamit ng Computer. Ito ay upang mas lalo pang maging maganda ang serbisyong maihatid sa ating bayan ng Odiongan.
Lubos namang nagpapasalamat ang Munisipyo ng Odiongan at Opisina ng Sangguniang Bayan sa Institute of Information Techonology ng Romblon State University Main Campus dahil sa pamumuno at pagpapanguna sa nasabing program.