{googleads center}
Nag-donate ng mga plastic bottles na siksik ng mga basura ang mga estudyante ng Early Childhood Care and Development Center ng Odiongan, Romblon sa munisipyo ng Odiongan bilang pakikiisa nila sa Trash in a Bottle Program ng Lokal na Pamahalaan na inilunsad nitong Miyerkules.
Inabot ng mga estudyante ang kanilang mga plastic bottles kay Mayor Trina Firmalo-Fabic mismo sa kanyang opisina nitong October 05.
Nagpasalamat naman ang alkalde sa mga estudyante dahil sa partisipasyon ng mga ito at pag-suporta sa mga program ng pamahalaang bayan ng Odiongan.