Nakaalerto na ang mga pulisya sa buong lalawigan ng Romblon simula ngayong araw ng Biyernes, October 27, bilang paghahanda para sa UNDAS o Araw ng mga Patay.
Sinabi ni Romblon Police Spokeperson PSInp Ledilyn Ambonan na simula ngayong October 27 ay activated na ang kanilang Oplan Kaluluwa 2017.
Inaasahang ang lahat ng Municipal Police Stations sa buong Romblon ay magtatalaga ng mga police desk sa mga sementeryo sa Araw ng mga Patay at paiigtingin rin ang pagbabantay sa mga transport terminals.
Pinapaalalahanan rin ang mga bibisita sa mga sementeryo na iwasan na ang mag dala ng mga bagay na ipinagbabawal katulad nang mga matatalim na gamit at mga alak.