Aabot sa mahigit isang libong mga senior citizens ng lalawigan ng Romblon ang dumalo sa selebrasyon ng Elderly Filipino Week na ginanap sa bayan ng Odiongan, Romblon nitong Sabado, October 07.
Ang mga dumalo ay galing sa iba’t ibang bayan sa Tablas habang ang iba ay tumawid pa ng dagat para makadalo lang sa nasabing pagdiriwang.
Panauhing pandangal sa selebrasyon at nagbigay ng mensahe at incouragement sa mga seniors si Mr. Oscar Ricaflanca, Secretary General ng National Federation of Senior Citizens of the Philippines (NFSCAP).
Pinarangalan rin sa nasabing selebrasyon ang ilang centenarian na dumalo sa pagdiriwang gayon na rin ang bayan ng Odiongan bilang Most Friendly Senior Citizen Municipality ngayong taong 2017.
Samantala, nagbigay naman ng libreng medical at dental checkup para sa mga Senior Citizens ang Department of Health MIMAROPA at Department of Health Romblon kasama ang Provincial Health Office at Municipal Health Office ng Odiongan.
Ilan sa mga seniors ang nabigyan ng libreng salamin, libreng blood pressure checkup at dental checkup sa mga may sakit sa ngipin.
{googleads center}