Sa bayan ng San Agustin napili ng DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) na itayo ang kanilang Provincial Fisheries Sub Office imbes na sa bayan ng Romblon, Romblon.
Ginanap ang grondbreaking ceremony kaninang umaga sa bayan ng San Agustin kung saan dinaluhan ito nina San Agustin Mayor Denon Madrona at BFAR MIMAROPA Regional Director Robeto Abrera.
Ang nasabing 3-storey building ay may lapad na halos 100 square meter at inaasahang matatapos sa loob ng 180 calendar days.
Aabot sa P5 milyon ang halaga ng nasabing proyekto na inaasahang malaking tulong lalo na sa mga mangingisda sa mga bayan na malapit sa San Agustin.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Madrona dahil San Agustin ang napili ng DA-BFAR na pagtatayuan ng nasabing opisina.
Dagdag pa ng alkalde, may mga susunod pang itatayo sa San Agustin kagaya nalamang ng Civil Service Commission Field Office – Romblon.