Opisyal nang pinasinayaan ngayong araw ang opisina ng Provincial Internal Affairs Service (PIAS) sa bayan ng Odiongan sa Tablas Island, Romblon.
Bisita sa pagpapasinaya sina Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic at Romblon Police Provincial Director PSSupt. Leo Quevedo.
Sa talumpati ni Mayor Fabic, kanyang malugod na tinanggap sa bayan ng Odiongan sina Police Supt. Romeo Llauderes, Provincial Superintendent ng Provincial Internal Affairs Service at ang kanyang mga tauhan.
Ang opisina ng PIAS ay matatagpuan sa tabi ng Municipal Library sa Odiongan Public Plaza.
Ang Internal Affairs Service ng Philippine National Police ay binubo alinsunod sa Republic Act 8551 kung saan sila ang pangunahing magbantay at magkorek sa mga maling gawain ng kapulisan.
{googleads center}
































