{googleads center}
Arestado ang isang menor de edad na suspek sa pagnanakaw umano ng isang motorsiklo matapos na maaktuhang sinusubukang pasukin ang isang tindahan sa Barangay Poblacion, Alcantara, Romblon nitong madaling araw ng October 24.
Ang nasabing suspek ay nasa 17 taong gulang at residente ng Barangay Pili, Looc.
Batay sa police report na natanggap ng Romblon Police Provincial Office, ala-una nang madaling araw nang makatanggap ng report ang Alcantara Municipal Police Station kaugnay sa nawawalang motorsiklo ni Diomedes Ignacio. Ninakaw umano ang motorsiklo habang ito ay naka park sa isang waiting shed na malapit sa National Road.
Narekober naman ang motorsiklo ni Ignacio matapos itong iwan sa kalsada dahil sa nasira ito.
Sa follow-up operation ng Alcantara MPS, naabutan nila ang suspek na sinusubukang pasukin ang isang tindahan sa Barangay Poblacion.
Maaring ginamit umano ng suspek ang motorsiklo para sakyan para makapunta ng Barangay Poblacion para magnakaw.