{googleads center}
Puspusan na ang paglilinis ng ilan residente ng Magdiwang, Romblon sa Magdiwang Public Cemetery, ilang araw bago ang Araw ng mga Patay.
Ilan sa kanila ay nag-aayos na ng mga puntod at habang ang ilan naman ay nagsisimula ng maglinis at maglagay ng lapida.
Sa bayan naman ng Odiongan sa Romblon, nagsimula na ring dumami ang naglilinis ng mga puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay ngayong weekend.
Sa Dapawan Public Cemetery na pinakamalaking sementeryo sa Odiongan, nagsisimula ng magpapintura ang ilang residente.
Habang ang ilan, ginawang pangkabuhayan ang panahon ng UNDAS. Ang ilan sa kanila ay tumatanggap ng serbisyo sa halagang P500-P1000 dipende kung anong ipapatrabaho sa mga puntod ng kanilang mahal sa buhay.