{googleads center}
Nagkapunit-punit ang damit ng isang rider matapos nitong araruhin ang mga istante at lamesa nasa labas ng isang bakeshop sa Sitio Torrel, Barangay Dapawan sa bayan ng Odiongan, Romblon bandang alas-10 ngayong gabi.
Kinilala ang rider na si Aljun Fabunan, 24-taong gulang, tubong Banton at nasa Odiongan para mag trabaho.
Ayon sa rider, galing umano siya sa Barangay Libertad at pauwi na sana kasama ang kanyang kapatid na 17-anyos nang maaksidente.
Itinanggi ni Fabunan na nakainum sila ng kapatid niya ngunit ayon sa mga saksi sa aksidente amoy alak ang dalawa at nakita nilang mabilis ang patakbo kaya pagdating sa pakurbang kalsada ay hindi sila agad nakaliko at dito na inararo ang mga istante.
Dinala na ang dalawa sa Odiongan Municipal Police Station para imbestigahan.