Dahil sa buong araw na ulan kahapon sa Romblon, ilang landslide ang naitala sa mga lugar na landslide prone area kagaya ng Salingsing Road sa bayan ng San Agustin.
Halos 40-minuto na stranded ang mga motorista kahapon ng hapon pahirapan ang pagdaan sa mala-gulong na taas na putik na gumuho sa kalsada.
ADVERTISEMENT
Patuloy naman ang isinasagawang clearing operations sa lugar para malinis at mabilis na madaanan na ng mga motorista.
{googleads center}